Aicelle Santos, hinirang na best actress para sa 'Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag' - gohong01

Hinirang si Kapuso singer and actress Aicelle Santos bilang Best Actress in a Featured Role sa katatapos lang na Aliw Awards 2017.

Pinarangalan si Aicelle para sa kanyang role bilang Perla sa Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag, isang musical adaptation ng nobela ni Edgardo Reyes na Sa mga Kuko ng Liwanag.

"Inihahandog ko 'to sa mga taong hanggang ngayon hindi pa rin nakakamit ang hustisya nila," pahayag niya bilang bahagi ng kanyang pasasalamat.

 

Ang Aliw Awards ay taunang parangal na kumikilala sa mga nagpakita ng husay sa larangan ng live entertainment tulad ng mga concert, teatro, sayaw at iba pa. 

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦